3 patay, 10 sugatan sa pamamaril sa isang video game tournament sa Florida

By Dona Dominguez-Cargullo August 27, 2018 - 06:20 AM

AP

Patay ang tatlong katao habang sugatan ang hindi bababa sa 10 iba pa sa insidente ng pamamaril sa Jacksonville, Florida.

Isang lalaki ang bigla na lamang nagpaputok sa isang restaurant kung saan mayroong online streaming ng isang video game tournament.

Ayon kay Jacksonville Sheriff Mike Williams, napatay din ng mga otoridad ang lalaking suspek.

Idinadaos ang regional qualifier para sa Madden 19 online game tournament nang mamaril ang suspek sa GLHF Game Bar sa loob ng Chicago Pizza restaurant.

Ayon sa inisyal na ulat, gamer din ang suspek na lumahok sa tournament pero natalo ito.

TAGS: florida, Jacksonville, mass shooting, Radyo Inquirer, florida, Jacksonville, mass shooting, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.