Ayon sa 4am weather advisory ng PAGASA, makararanas ng katamtaman hanggang sa malalakas na kalat-kalat na pag-uulan sa Ilocos Region, Cordillera Administative Region, Batanes, Babuyan group of Islands, Zambales at Bataan.
Sa Cagayan Valley at nalalabing bahagi naman ng Gitnang Luzon ay magiging maulap ang kalangitan at mararanasan ang kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dahil pa rin sa Habagat.
Sa nalalabing bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila at buong Visayas at Mindanao ay maalinsangan ang panahon liban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan dulot ng locelized thunderstorms.
Mapanganib ang paglalayag sa mga baybaying-dagat ng Hilagang Luzon.
Pinapayuhan ang mga mangingisda na may maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot dahil sa inaasahang matataas na alon.