Pot session sa resort sinalakay ng mga pulis sa Valenzuela City

By Justinne Punsalang August 27, 2018 - 04:51 AM

Valenzuela City Police

Arestado ang tatlo katao matapos mahuli sa akto na gumagamit ng marijuana sa loob mismo ng Villa Martha Resort sa Barangay Marulas, Valenzuela City.

Nakilala ang mga nahuling gumagamit ng marijuana na sina Royette John Pagunsan, 22 taong gulang at kabilang sa drugs watchlist ng Valenzuela City Police; Merson Jimenez alyas Samboy, 18 taong gulang; at Abraham Adriano alyas Abra, 31 taong gulang.

Ayon sa mga elemento ng Valenzuela City Police, nakatanggap ang kanilang himpilan ng ulat tungkol umano sa nagaganap na pot session sa loob ng Villa Martha Resort.

Agad na nagtungo sa naturang lugar ang mga otoridad at natiyempuhan ang tatlong kalalakihan na gumagamit ng marijuana sa loob public restroom ng resort.

Inaresto ang mga suspek na nakuhanan ng isang plastic ziplock na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana at mga drug paraphernalia.

Mahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.