Holiday pay rules para sa National Heroes Day ipinaalala ng DOLE

By Rhommel Balasbas August 27, 2018 - 01:44 AM

Muling nagpaalala ang Department of Labor and Employment sa mga pribadong employers na sumunod sa holiday pay rules.

Ito ay alinsunod sa National Heroes Day na ginugunita ngayong araw at isang regular holiday.

Ayon sa DOLE,dapat na mabayaran ng mga employers ang kanilang mga manggagawa ng 200 percent ng kanilang sweldo para sa unang walong oras nilang trabaho.

Habang ang trabaho namang sumobra sa walong oras ay kinakailangang bayaran ng dagdag na 30 percent kada oras ng trabaho.

Ipinaalala rin ng kagawaran na kung ang manggagawa ay hindi nagtrabaho sa araw ng holiday ay makatatanggap pa rin siya ng buong sahod sa naturang araw.

Samantala, kapag ang empleyado naman ay nagtrabaho pa rin kahit na araw ng pahinga at holiday, kailangan siyang mabayaran ng dagdag na 30 percent ng kanyang 200 percent daily rate.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.