VP Robredo hinimok ang mga Filipino na bigyang pugay ang mga manggagawa ngayong National Heroes Day
Sa paggunita ng National Heroes Day ngayong araw ay hinimok ni Vice President Leni Robredo ang mga Filipino na bigyang pugay ang mga manggagawa.
Para sa bise presidente ang mga manggagawa ay ang ‘modern day’ heroes ng bansa.
Sa kanyang radio program na BISErbisyong Leni sinabi ng pangalawang pangulo na hindi dapat kalimutan ang mga manggagawa na nagbibigay serbisyo araw-araw sa mga tao.
Partikular na tinukoy ng bise presidente ang overseas Filipino workers (OFWs) na anya’y tinitiis ang sakit na mawalay sa mga mahal sa buhay makapagbigay lamang ng magandang kinabukasan sa kanilang mga pamilya.
Samantala, inaasahan ang mga kilos-protesta ng ilang labor groups ngayong araw para ipanawagan ang umento sa sahod at mas magandang working conditions.
Ayon kay Kilusang Mayo Uno Chairman Elmer Labog, ito ay bilang paghimok sa gobyerno na ibigay ang kanilang mga hiling.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.