Pagbabalik ng usaping pangkapayapaan sa NPA malabo pa ayon kay Pangulong Duterte
Hindi pa tiyak sa ngayon kung magkakaroon pa ulit ng usaping pangkapayapaan kasama ang rebeldeng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Ito ay matapos bantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rebeldeng grupo na paiigtingin niya ang ikinakasang operasyon ng militar laban sa mga ito.
Babala pa ng pangulo, posibleng hindi na siya tumanggap ng mga magbabalik-loob na rebelde.
Ayon sa pangulo, mayayabang ang mga miyembro ng NPA at mayroon pang lakas ng loob na pagbantaan siya.
Ipinagtataka ng pangulo kung paano nagagawang magyabang ng mga ito, gayung ambush lang aniya ang kaya nilang gawin, hindi tulad ng pamahalaan na mayroong mga helicopter, Navy, Air Force, at Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU).
Banta pa ng punong ehekutibo, magkamatayan na hanggang sa dulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.