2 patay sa kasagsagan ng ulan sa Ilocos Norte

By Angellic Jordan August 26, 2018 - 08:27 PM

Dalawa katao ang naitalang namatay sa naranasang pag-uulan sa Ilocos Norte.

Ito ay dulot pa rin ng southwest monsoon o habagat na pinaigting ng Bagyong Luis.

Kinilala ang isang biktima na si Ernesto Manzano, mangingisda at residente ng Baranagay Gabut Sur sa Badoc.

Natagpuan nang walang buhay si Manzano sa isang talahibahan, Sabado ng umaga, matapos tumigil ang malakas na ulan noong Biyernes.

Ngunit batay sa suri ng doktor, hypothermia o sobrang gininaw ang naging sanhi ng pagkamatay nito.

Hinala ng mga kaanak, tinangkang tignan ni Manzano ang mga inaalagaang tilapia sa kasagsagan ng ulan.

Samantala, namatay naman ang isang caretaker ng isang sakahan na si Emmanuel Ubibi sa Barangay Bugayong, Nueva Era.

Ayon kay Sr. Insp. Gerardo Mabini, hepe ng Nueva Era Police Station, natabunan ang biktima ng gumuhong lupa galing sa isang bundok.

Sinubukan pa anilang iligtas ang biktima ng dalawang katrabaho nito ngunit na-trap na ito.

Naitakbo pa sa ospital si Ubibi ngunit kalaunan ay idineklara ring dead-on-arrival.

TAGS: Bagyong Luis, ilocos norte, Bagyong Luis, ilocos norte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.