Isa pa sa 23 presong nakatakas sa Bacoor city jail, patay sa operasyon
Patay ang isang pang nakatakas na preso sa Bacoor City jail sa Cavite, Linggo ng hapon.
Ayon kay regional police spokesperson Supt. Chitadel Gaoiran, kinilala ang preso na si Marcelo Ruiz na isa sa 23 presong nakatakas sa naturang kulungan noong July 27, 2018.
Sa isang mensahe, sinabi ni Gaoiran na nahanap si Ruiz sa Barangay San Nicolas 3 bandang 4:00 ng hapon.
Ngunit imbis na sumuko, nagpaputok umano ng baril si Ruiz dahilan para balikan ng putok ng baril ng mga otoridad.
Dahil dito, agad nasawi si Ruiz.
Si Ruiz ay naaresto noong July 6 dahil sa kasong paglabag na may kinalaman sa ilegal na droga.
Matatandaang noong nakaraang linggo, namatay din ang isa pang nakatakas na preso na si Michael Salac sa Barangay Molino 4.
Ayon sa Bacoor police, nagkasa na ng malawakang manhunt operation para sa ikadarakip ng mga preso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.