Dalawa pang gold medal, nasungkit ng Pilipinas sa 2018 Asian Games

Photo credit: Philippine Sports Commission Twitter

Nakamit ng Pilipinas ang ikalawang gintong medalya para sa 2018 Asian Games.

Nagwagi ang mga Filipino athlete na sina Yuka Saso, Bianca Isabel Pagdanganan at Lois Kaye Go para sa Round 4 ng women’s team sa larong Golf.

Maliban dito, nakuha rin ni Saso ang isa pang gintong medalya sa women’s individual category ng kaparehong laro.

Nagwagi rin si Pagdanganan ng bronze medal para sa kaparehong kategorya.

Dahil dito, nasa ika-14 na ang Pilipinas sa ranking na may tatlong gintong medalya at 10 bronze medal.

Read more...