Higit 22,000 bag ng smuggled rice, nasabat ng PCG sa Basilan
Nasamsam ng Philippine Coast Guard (PCG) ng 22,000 bag ng smuggled rice mula sa dalawang vessel sa Basilan.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng PCG nakita ang isa sa dalawang vessel, M/L Overseas, habang nagsasagawa ng maritime patrol malapit sa Tamuk Island bandang 4:00, Biyernes ng hapon.
Nakuha sa naturang vessel ang 10,000 bags ng undocumented rice.
Matapos ang 20 minuto, namataan naman ng M/L Nadeepa sa bisinidad ng kanlurang bahagi ng Maluso, Basilan.
Tinatayang 12,000 bags ng smuggled rice ang nakuha sa naturang barko.
Samantala, dinala na ang mga barko sa Zamboanga City Port para sa tamang pag-turnover sa mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.