2 patay, 250 sugatan sa lindol sa Iraq

Credit: USGS Map

Patay ang dalawang katao at mahigit 250 ang sugatan sa tumamang magnitude 6 na lindol sa Iraq.

Ayon kay Kermanshah governor Houshang Bazvand, dalawa na ang naitalang patay habang 255 na ang sugatan sa lindol.

Sinabi ni Saeb Sharidari, emergency department head ng Kermanshah Universiry of Medical Sciences, buntis ang dalawang patay habang isa ring 70-anyos na lalaki ang inatake sa puso.

Ayon sa mga local official, naputol ang kuryente ng nasa 70 barangay ngunit kalaunan ay naibalik din sa 50 barangay.

Naramdaman din anila ang mahigit 65 aftershocks sa lugar.

Dagdag ni Bazvand, hindi bababa sa 500 establisimiyento ang nasira at kinakailangang ayusin.

Samantala, nakahanda na ang crisis center habang nakaalerto rin ang ospital at relief organizations sa lugar.

Read more...