Pangilinan sa mga kapwa-opisyal: maging mabuting halimbawa sa mga Pinoy

By Angellic Jordan August 26, 2018 - 04:06 PM

Hinikayat ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang mga kapwa opsiyal ng gobyerno na magsilbing magandang halimbawa sa mga Pilipino.

Ito ay kasunod ng paggunita ng Araw ng mga Bayani sa araw ng Lunes, August 27.

Sa inilabas nitong pahayag, inisa-isa ni Pangilinan ang ilan sa mga pinagdadaanang hirap ng mga Pilipino tulad ng hirap sa transportasyon, mahabang pila sa Metro Rail Transit-3 (MRT-3), mababang sahod at pagtaas ng ilang mga bilihin.

Aniya, ang mga Pilipino ay masipag, wais at makas ang loob na nagsasalarawan sa pagiging tunay na bayani.

Sinabi nito sa mga opisyal ng gobyerno na tuparin ang tungkulin para sa publiko tulad ng pagsasaayos ng transportasyon, ibsan ang araw-araw na hinaing ng mga Pinoy at dagdag na trabaho.

Bigyan din aniya ng pag-asa ang mga PInoy na magkaroon ng magandang pamumuhay sa Pilipinas at hindi sa ibang bansa.

Dagdag pa nito, dapat kilalanin ang kabayanihan ng mga Pilipino.

TAGS: Araw ng mga Bayani, Sen. Kiko Pangilinan, Araw ng mga Bayani, Sen. Kiko Pangilinan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.