Nakiisa ang gobyerno ng Pilipinas sa pakikidalamhati sa pagpanaw ni United States senator John Sidney McCain III.
Sa inilabas na pahayag ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, nawalan ang bansa ng isang “true friend at champion.”
Dagdag nito, nakikiramay ang mga Pilipino sa mga naiwang pamilya ni McCain at sa mga residente ng Amerika.
Namatay si McCain sa edad na 81 matapos ang isang taong pakikipaglaban sa sakit na Brain cancer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.