Deliberasyon sa impeachment case vs 7 SC justices, aarangkada sa Sept. 4

Aarangkada na sa September 4 ang deliberasyon sa impeachment complaints laban sa pitong mahistrado ng Korte Suprema na una nang bomoto sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Congressman Salvador Leachon, chairman ng House Committee on Justice, nasa order of business na ng Kamara sa araw ng Martes, August 28, ang reklamo laban kina Chief Justice Teresita de Castro, Associate Justices Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Andres Reyes, Francis Jardeleza, Noel Tijam at Alexander Gesmundo.

Nahaharap sa paglabag sa culpable violation ng konstitusyon at betrayal of public trust ang pito dahil sa naging papel sa pagpapatalsik kay Sereno sa pamamagitan ng quo warranto petition.

Ayon kay Leachon, sa ilalim ng rules ng kamara, may tatlong araw na notice rule na sinusunod.

Dagdag ni Leachon, kailangang ipagbigay-alam sa mga respondent at mag-produce ng mga record para pagbasehan ng 55 miyembro ng komite.

Pag-iisahin na lamang aniya ng komite ang pagdinig sa pito dahil iisa lang naman ang concern ng reklamo.

Read more...