Nasa 117 undocumented OFWs mula Dubai, balik-Pilipinas na
Nakabalik na ng Pilipinas ang nasa 117 undocumented na overseas Filipino workers (OFW) na nanggaling sa Dubai.
Ang mga OFW ay lulan ng Philippine Airlines flight PR 659 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bandang 10:30, Linggo ng umaga.
Kasama ang mg OFW sa grupo na kumuha ng alok na amnesty program ng United Arab Emirates government.
Binigyan ng ayuda ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Consulate General sa Dubai ang mga OFW para makabalik ng bansa.
Ayon kay Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola, pagkakalooban ang bawat OFW ng $100 batay na rin sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Tiniyak naman ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) chief Hans Leo Cacdac na tutulungan ang mga OFW na makauwi sa kanilang bahay, bibigyan ng pansamantalang matutuluyan at bagong trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.