LOOK: NFA, nanindigang walang kinalaman sa krisis sa bigas sa Zamboanga
Nanindigan ang National Food Authority (NFA) na hindi kagagawan ng kanilang hanay ang nararanasang krisis sa bigas sa Zamboanga city.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, hinimok ni NFA spokesman Rex Estoperez ang mga kritiko na alamin muna ang proseso ng operasyon ng NFA.
Una rito, nanawagan sina Senators Francis “Kiko” Pangilinan at Bam Aquino na magbitiw na sa puwesto si NFA administrator Jason Aquino dahil sa kabiguan na solusyunan ang problema sa suplay ng NFA rice.
Ayon kay Estoperez, umaaksyon lamang ang kanilang hanay base sa mandato.
Una rito, sinabi ni Agriculture Sercetary Manny Piñol na kaya tumaas ang presyo ng NFA rice sa Zamboanga dahil nakadepende ang kanilang suplay sa pagpasok ng mga smuggled na bigas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.