Pagkain ng binukbok na bigas, pangungunahan ni Aquino – NFA

By Chona Yu August 26, 2018 - 12:35 PM

Pangungunahan ni National Food Authority (NFA) administrator Jason Aquino ang pagkain ng mga binukbok na bigas na isinailalim sa fumigation at quarantine.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni NFA spokesman Rex Estoperez na ito ay para patunayan sa publiko na ligtas pa ring kainin ang NFA rice na binukbok o naapektuhan ng peste.

Sa ngayon, aabutin pa ng pito hanggang 12 araw ang pagsasailalim sa fumigation sa binukbok na NFA rice.

Aabot sa 177,00 na sako ng NFA rice ang binukbok sa Albay habang 133,000 na sako ng NFA rice naman ang binukbok sa Subic, Zambales.

TAGS: fumigation, NFA Rice, quarantine, fumigation, NFA Rice, quarantine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.