110,000 sako ng bigas, dumating na sa Zamboanga

By Chona Yu August 26, 2018 - 12:31 PM

Inquirer file photo

Dumating na sa Zamboanga Port ang 110,000 sako ng bigas.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni National Food Authority (NFA) spokesman Rex Estoperez na naipakalat na rin ang tig-10,000 sako ng bigas ng NFA sa Basilan, Sulu, Tawi-Tawi at 20,000 sako naman sa Zamboanga Sibugay.

Payo ni Estoperez sa publiko, huwag ng maghanap ng maputi at murang bigas sa palengke dahil ang commercial rice na nabibili ngayon ay galing na sa mga magsasaka sa Pilipinas at hindi na sa backdoor.

Sinabi pa ni Estoperez na sapat naman ang suplay ng bigas sa bansa dahil Hunyo pa lamang ay nag-angkat na ang Pilipinas.

TAGS: NFA Rice, NFA spokesman Rex Estoperez, Zamboanga, NFA Rice, NFA spokesman Rex Estoperez, Zamboanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.