Bilang ng nahuling local ordinance violators sa Metro Manila, pumalo na sa 177,000
Mahigit 177,000 ang naitalang nahuling lumabag sa iba’t ibang city ordinance sa Metro Manila sa nakalipas na dalawang buwan.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar, tinatayang 177,929 ang kabuuang bilang ng mga naarestong lumabag sa local ordinances mula June 13 hanggang August 26 ng kasalukuyang taon.
Tanging 22 sa mga ito ang nakulong; 122,344 ang binigyan ng verbal warning, 35,668 ang pinagbayad ng multa at 19,917 naman ang nahaharap sa reklamo.
Dagdag pa ni Eleazar, umabot naman ng 63,093 ang mga indibidwal na nahuling nagsisigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP ang istriktong pagpapatupad ng city laws dahil aniya, posible itong magdulot ng gulo sa publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.