Sison hinamon si Pangulong Duterte na isiwalat ang tunay na kalagayan ng kalusugan

By Rhommel Balasbas August 26, 2018 - 06:01 AM

Hinamon ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chairman Jose Maria Sison si Pangulong Rodrigo Duterte na ibunyag nito ang tunay na kalagayan ng kanyang kalusugan.

Sakali anyang gawin ng pangulo ay maglalabas si Sison ng kanyang sariling medical certificate.

Sa isang pahayag, hinamon ni Sison ang pangulo na sumailalim sa medical examination ng mga eksperto sa Philippine General Hospital upang malaman kung ito ay ‘physically’ at ‘mentally fit’ sa kanyang posisyon.

Ayon sa CPP leader, ibubunyag niya rin ang lagay ng kanyang kalusugan sakaling maglabas ng medical certification ang pangulo.

Ito ay matapos sabihin ni Duterte na may colon cancer si Sison.

Samantala, inaakusahan ni Sison ang presidente na napilitan lamang magpakita sa publiko at ihinto ang kanyang pagpapahinga upang pabulaanan ang mga haka-haka sa kanyang kalusugan.

Giit pa ni Sison, kailangan ni Duterte ng maraming pahinga at mangyayari lamang ito kapag nagbitiw na ito sa pwesto.

TAGS: CPP founding chairman Jose Maria Sison, Rodrigo Duterte, CPP founding chairman Jose Maria Sison, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.