M3.1 na lindol naitala sa Oriental Mindoro

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bahagi ng Oriental Mindoro, alas-4:26 ng Linggo ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 31 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Roxas.

May lalim itong pitong kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman inaasahan ang aftershocks at pinsala sa mga ari-arian.

Read more...