Bilyong dolyar na military ‘blimp’ nakahulagpos, lumilipad ngayon na parang lobo sa US

By Jay Dones October 29, 2015 - 04:02 AM

Mula sa google

Isang malaking palaisipan ngayon sa US military kung paano irerecover ang isang multi-bilyong dolyar na ‘blimp’ o airship na nakahulagpos mula sa kanyang pagkakatali sa isang military facility at lumilipad ngayon na parang lobo sa himpapawid.

Ayon sa ulat, hanggang sa ngayon, lumilipad pa rin sa ere sa taas na 16,000 feet sa bahagi ng Maryland sa US ang naturang ‘blimp’ na tinatawag na JLENS o Joint Land Attack Cruis Missile Defense Elevated Netted Sensor System.

Una rito, nakahulagpos mula sa kanyang ‘mooring’ o istasyon ang ‘blimp’ na may habang mahigit sa 200 talampakan sa Aberdeen Proving grounds sa Maryland at ngayon ay lumilipad patungo sa direksyon ng Washington.

Dahil sa walang kumukontrol dito, hindi pa batid kung paano irerecover ng US military ang naturang ‘blimp’.

Agad namang nagdeploy ng dalawang F-16 fighter jets ang NORAD o North American Aerospace Defense Command upang bantayan ang paglipad ng nakawalang military equipment.

Inabisuhan na rin ng NORAD ang Federal Aviation Administration upang bigyang-babala ang mga eroplanong lumilipad sa lugar na dinadaanan ng ‘blimp’.

Ang JLENS ay may kargang multi-bilyong halaga ng instrumento na ginagamit sa pag-track ng isang operation ng US military.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.