Presyo ng oil products tataas sa ikatlong sunod na linggo

By Rhommel Balasbas August 26, 2018 - 04:26 AM

Mayroon na namang nakaambang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na linggo.

Ito na ang ikatlong sunod na linggo na may pagtaas sa presyo ng oil products.

Sa abiso ng industry sources maglalaro sa P0.50 hanggang P0.60 ang dagdag sa kada litro ng diesel.

Ang presyo naman ng kada litro ng gasolina ay may P0.10 hanggang P0.20 na dagdag.

Samantala, inaasahang matatapyasan naman ang presyo ng kada litro ng kerosene o gaas sa P0.40 hanggang P0.50.

Ang oil price adjustments ay kadalasang ipinatutupad tuwing Martes.

Epektibo naman mula kahapon, August 25, nagpatupad ang Shell ng P0.25 na diskwento sa diesel para sa mga public utility jeepneys (PUJs).

Maa-avail ang dagdag diskwento sa mahigit kalahati ng bilang ng gas stations ng Shell sa buong bansa.

TAGS: DOE, oil price adjustment, oil price hike, Shell, DOE, oil price adjustment, oil price hike, Shell

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.