Pangulong Duterte, bumisita sa mga sugatang sundalo sa Sulu
Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sugatang sundalo sa Jolo, Sulu, araw ng Sabado.
Pinasalamatan ng pangulo ang mga ito sa kanilang hindi matatawarang serbisyo at kabayanihan upang mapanatili ang kapayapaan sa bansa.
Ang 21 sugatang sundalo ay nakipagbakbakan sa magkakahiwalay na engkwentro sa Abu Sayyaf Group sa Sulu.
Nagpapagaling ang mga ito sa Camp Teodulfo Bautista Station Hospital.
Ginawaran ni Duterte ang mga sundalo ng Order of Lapu-Lapu at nagbigay din ng tulong pinansyal, cellphone, relo at gun certificate mula sa Office of the President ayon kay Special Assistant to the President Bong Go.
Samantala, sa Kuta Heneral Teodolfo Bautista naman ay nagbigay ng talumpati ang pangulo.
Namahagi din ng mga relo at bag na naglalaman ng relief goods si Duterte bilang pasasalamat sa mga sundalo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.