2 drug pusher patay, pulis sugatan sa buy-bust ops sa Batangas

By Angellic Jordan August 25, 2018 - 08:21 PM

Inquirer file photo

Patay ang dalawang tulak ng droga habang sugatan ang isang pulisya sa ikinasang buy-bust operation sa Lipa City, Batangas.

Ayon sa pulisya, kinilala ang mga suspek na sina Erwin Ramirez alyas “Mulawin” at Ezekiel Reyes.

Isinagawa ang operasyon ng mga otoridad sa Barangay Inosluban bandang 2:00, Sabado ng madaling-araw.

Nang mapag-alamang pulisya ang katransakyon, agad binunot ng mga suspek ang kanilang baril at nagpaputok.

Dahil dito, tinamaan ng bala ng baril si Police Officer 3 Alexia Mendoza sa kaniyang paa.

Agad bumawi ng putok ng baril ang mga otoridad dahilan para mamatay ang dalawang suspek.

Dinala pa ang mga suspek sa Metro Lipa Medical Center ngunit idineklara ring dead on arrival.

Samantala, nakatakas naman ang ikatlong suspek na hindi pa nakilala ng mga otoridad.

Nakuha sa mga suspek ang isang kilo ng hinihinalang marijuana, 10 gramo ng hinihinalang shabu at dalawang caliber .45 na baril.

TAGS: Batangas, buy bust operation, Marijuana, shabu, Batangas, buy bust operation, Marijuana, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.