P300,000 halaga ng Bantigue, nakuha sa Quezon
Aabot sa 30 malalaking sako ng halamang Bantigue ang nasamsam sa General Nakar, Quezon.
Sa naturang bilang, anim na sako ang naglalaman ng bantigue stems.
Nagkakahalaga ang mga halamang ginagamit sa paggawa ng bonsai ng P300,000.
Istriktong ipinagbabawal ng Wildlife Resources Conservation and Protection Act ang pagbebenta nito bilang ikinokonsiderang threatened species ng halaman.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, tuloy pa rin ang pinaigting na kampanya laban sa mga wildlife trader na nagbebenta ng mga hayop at halamang malapit ng maubos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.