Ombudsman Martines, ikinatuwa ang bagong appointment ni De Castro
Ikinatuwa ni Ombudsman Samuel Martires ang pagkakatalaga kay dating Associate Justice Teresita Leonardo-de Castro bilang bagong punong mahistrado ng Korte Suprema.
Sa ipinadalang mensahe ni Martires, karapat-dapat si De Castro sa naturang posisyon dahil sa kaniyang pagiging isang mabuting tao, istrikto pagdating sa mga batas at workaholic.
Aniya, dati niyang Presiding justice si De Castro sa Sandiganbayan.
Dahil dito, tiyak aniya na masaya ang Sandigayanbayan justices at mga empleyado sa kaniyang bagong appointment.
Si De Castro ang unang babaeng chief justice na in-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Papalitan ni De Castro si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na natanggal sa pamamagitan ng inihaing quo warranto petition laban sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.