DFA nagbigay ng tulong sa mga Pinoy haj pilgrim

NCMF Photo

Binigyan ng tulong ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipinong haj pilgrims na ninakawan sa kanilang hotel sa Makkah noong Huwebes.

Ayon kay Philippine Ambassador to Riyadh Adnan Alonto, agad silang nagpadala ng team para tulungan ang mga pilgrim na i-report sa polisya ang insidente.

Kinausap din ng embahada ang hotel management para bayaran ang mga ninakaw na ari-arian ng mga Pinoy.

Sa nakarating na ulat kay Ambassador Alonto, pinasok ng mga hindi nakilalang suspek ang limang kuwarto sa hotel at tinangay ang mga gamit ng mga Pinoy na noo’y nasa Minah.

Read more...