Dalawang drug user, arestado sa Pasay

Timbog ang dalawang lalaki makaraang mahuli umano sa aktong ginagamit ng ilegal na droga sa Pasay, Sadado ng umaga.

Batay sa ulat ng pulisya, nakilala ang mga suspek na sina Fernel Montoya, 27-anyos, at Peter Berbenzana, 38-anyos, sa bahagi ng Khai Street sa Barangay 201 Zone 20.

Ayon sa pulisya, napag-alaman ang sesyon ng dalawang suspek matapos ipagbigay-alam ito sa kanila bandang 5:00 ng umaga.

Sinubukan pang tumakbo ng mga suspek ngunit kalaunan ay nahuli rin.

Nakuha mula sa mga suspek ang dalawang maliit na pakete ng hinihinalang shabu.

Sa ngayon, nakadetine ang mga suspek sa Pasay City Police Station at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...