Patay ang anim katao makaraang magbaha dahil sa naranasang bigat ng pag-ulan sa Taiwan.
Simula noong Huwebes, halos 1,000 millimeters ng tubig-ulan ang dinala ng umiral na tropical depression sa gitna at timog-bahagi ng naturang bansa.
Ayon sa government agencies sa Taiwan, kabilang sa nasabing bilang ng mga nasawi ang tatlong namatay sa gumuhong scaffolding sa Kaohsiung. Halos 100 naman ang sugatan dahil dito.
Samantala, mahigit 6,000 residente ang inilikas sa kanilang mga tahanan.
Tuloy naman ang operasyon ng mga sundalo sa pag-rescue sa mga residenteng nananatili pa sa mga lubog na lugar.
Sa ngayon, nakalabas na ng bansa ang naturang sama ng panahon ngunit nananatili pa ring mataas ang tubig-baha sa ilang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.