Stephen Curry, muling bibista sa Pilipinas

Credit: Under Armour Facebook page

Nakatakdang bumisita si Golden State Warriors star player Stephen Curry sa Pilipinas sa susunod na buwan.

Sa official Facebook page ng Under Armour Southeast Asia, inanunsiyo ang pagdating ng 2-time Most Valuable Player sa Maynila sa Setyembre 7, 2018.

Bilang handog sa fans ng NBA superstar, magpapamigay ang naturang clothing brand ng dalawang Lower Box tickets sa kada pagbili ng Curry 5 o Curry 5 Tour shoes nito.

Samantala, hindi pa naman inaanunsyo kung saan gaganapin ang “Under Armour Asia Tour 2018.”

Maliban sa Pilipinas, bibista rin si Curry sa Wuhan, China at Tokyo, Japan.

Ito na ang ikalawang beses na pagbisita ni Curry sa Pilipinas.

Read more...