Valerie Concepcion engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend

By Den Macaranas August 25, 2018 - 11:25 AM

Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala ang actress na si Valerie Concepcion na siya ay engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Sinabi ni Valerie na naniniwala siya sa God’s perfect timing at iyun ang nangyari sa kanila ng kanyang boyfriend na si Francis Sunga.

Nakilala niya ang kanyang guam-based na kasintahan ng magtungo ito sa Pilipinas noong 2017.

Sinabi ng actress na mahirap ang long-distance relationship kaya madalas niyang dalawin si Francis sa Guam.

Noong August 15 ay nag-proposed sa kanya ang boyfriend at sinabi ni Valerie na matagal na niya itong ipinagdarasal.

Si Valerie na isang single-parent ay may anak na 13-anyos na si Fiona samantalang may isang anak rin si Francis sa kanyang dating kasintahan na nakatira rin sa Guam.

Kamakailan lang ay nagtapos ng BS-Psychology sa Arellano University si Valerie.

TAGS: engage, francis sunga, Guam, valerie concepcion, engage, francis sunga, Guam, valerie concepcion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.