Pabrika nasunog sa Valenzuela City

October 29, 2015 - 03:04 AM

 

Mula sa google

Isa na namang pabrika ang natupok ng apoy sa Valenzuela City kahapon.

Nagsimula ang sunog dakong alas-3 ng hapon sa may Esperanza St., Barangay Marulas na umabot pa sa Task Force Bravo.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa mga highly combustible na mga materyales tulad ng mga plastic na hanger, timba, at dahil na rin sa mga nakaimbak mga tela. Tumagal pa ng mahigit na pitong oras ang sunog bago ito naapula.

Wala namang iniulat na nasaktan sa naturang sunog.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Valenzuela City fire, wala umanong business permit ang naturang nasunog na pabrika.

Matatandaang noong nakaraang Mayo, 72 katao ang nasawi makaraang masunog ang pabrika tsinelas sa Valenzeuela City.

Na-trap ang mga manggagawa ng Kentex Manufacturing Corporation sa second floor dahil sa grills sa mga bintana sa itaas na bahagi ng naturang gusali.

Bunsod ng pangyayari, nangako ang lokal na pamahalaan na magihihigpit sa pag-iinspekyon sa mga pabrika sa lungsod.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.