Floreindo kinasuhan ng P15M libel suit si dating Speaker Alvarez

Inquirer file photo

Sinampahan ng P15 Million libel suit ni Davao Del Norte Rep. Antonio Floirendo Jr. si dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Nag-ugat ang reklamo sa naging pahayag ni Alvarez na si Floirendo umano ang pinagmulan ng balita kaugnay sa biniling lupain ng dating pinuno ng Kamara sa Siargao.

Hindi rin nagustuhan ni Floreindo ang pagtawag sa kanya bilang land grabber ni Alvarez.

Sa kanyang limang-pahinang reklamo na isinumite sa Quezon City Prosecutor’s Office, ipinakita ni Floirendo ang ilang newspaper clippings na nagpapakita sa report sa pagbili ni Alvarez ng P500 Million na halaga ng lupain sa Siargao.

Sa kanyang press conference noong May 21 ay inamin ni Alvarez na may nabili siyang lupain sa Siargao pero hindi umano ito mahal tulad ng pinalulutang na isyu ni Floreindo na tinawag niyang land grabber.

Nilinaw ni Floreindo na hindi siya ang source ng nasabing balita at mali rin na pagbintangan ang kanyang pamilya bilang magnanakaw ng lupain.

Dating magkaibigan sina Alvarez at Floreindo pero nasira ito makaraang ungkatin ng dating house speaker ang umano’y pagsasamantala ng pamilya Floreindo sa inuupahang taniman ng saging sa loob ng compound ng Davao Penal Colony.

Read more...