OFW sa Dubai patay sa car accident

By Rhommel Balasbas August 25, 2018 - 06:42 AM

Nasawi ang isang 34-anyos na overseas Filipino worker (OFW) matapos masagaan ng isang kotse sa Dubai.

Nangyari ang insidente noong Huwebes sa Dubai-Al Ain highway, ang kalsadang nagdurugtong sa city of Dubai sa city of Al Ain.

Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs, ang biktima ay isang sales executive mula sa lalawigan ng Abra.

Bumaba ang ito sa kanyang kotse dahil sa pagputok ng isa sa mga gulong nito.

Pagbaba ng kanyang sasakyan ay dito na siya nahagip ng kotse.

Ayon kay Philippine Ambassador to the UAE Hjauceelyn Quintana, ang driver ng kotseng nakasagasa sa pinay worker ay hawak na ng mga awtoridad.

Nakausap na rin anya ng envoy ang pinsan ng biktima na nasa UAE rin upang ipaabot ang pakikiramay ng embahada.

Tiniyak ni Quintana na magbibigay ang Embahada ng tulong kabilang na ang pagpapauwi sa bansa sa mga labi ng biktima at anumang legal assistance na kakailanganing tugunan bunsod ng insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.