Pahayag ni Albayalde na panlima ang Naga sa crime index, binatikos ni VP Robredo

By Rhommel Balasbas August 25, 2018 - 06:19 AM

‘Ilayo ang Naga City sa misinformation’.

Ito ang panawagan ni Vice President Leni Robredo kay Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde na nagsabing ang Naga City ang panlima sa may pinakalamalaking bilang ng krimen sa mga lungsod ng bansa.

Ayon kay Robredo hindi katanggap-tanggap ang pahayag ng opisyal ng PNP at sinabing tantanan ang mga Nagaueños at ang lungsod sa mga hindi totoong impormasyon.

Ipinahayag ni Albayalde noong Miyerkules na panlima ang Naga sa crime volume sa unang bahagi ng 2017 at 2018.

Gayunman, lumalabas na nagkamali ng pagbasa ang PNP Chief sa datos ng pambansang pulisya sa krimen at inakalang ang bilang na panlima ng Naga ay tumutukoy sa crime volume.

Ang panlima na bilang ng Naga ay tumutukoy pala sa rehiyong kinabibilangan nito na Region V (5) at hindi sa crime volume.

Samantala, sa isang hiwalay na post, iginiit ni Robredo na ang Naga City ay pang-34 sa kaso ng murder, pang-24 hanggang pang-26 sa homicide, pang-29 sa robbery at pang-anim sa theft.

Ang Naga City ay balwarte ni Robredo kung saan nanilbihan ang kanyang asawang si dating Interior Secretary Jesse Robredo ng tatlong termino.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.