LPA at Bagyong Luis pinalalakas ang Habagat – PAGASA

Patuloy na palalakasin ng binabantayang low pressure area (LPA) at ng Bagyong Luis ang hanging Habagat na magpapaulan sa halos kabuuan ng Luzon.

Sa 4am weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang low pressure areasa layong 910 kilometro Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes.

Ang Bagyong Luis naman na nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility ay huling namataan sa layong 595 kilometro Hilaga Hilagang-Kanluran ng Extreme Northern Luzon.

Pinalakas ng dalawang weather system ang Habagat na ngayon ay sakop na ang halos buong Luzon.

Makararanas ng katamtaman hanggang sa malalakas na kalat-kalat na pag-uulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes at babuyan Group of Islands, Zambales at Bataan.

Ang natitirang bahagi naman ng Northern at Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON at Mindoro Provinces at magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-uulan.

Sa nalalabing bahagi ng Luzon, bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan ang mararanasan liban na lamang sa mga isolated rainshowers and thunderstorms.

Ang buong Visayas at Mindanao ay makararanas ng mainit at maalinsangang panahon liban na lamang sa mga isolated rainshowers and thunderstorms.

Nakataas ang gale warning sa mga karagatan ng Northern at Central Luzon na posibleng umabot ang alon hanggang sa 4.5 meters na mapanganib sa mga naglalayag.

Read more...