9 bus driver, nagpositibo sa paggamit ng droga

October 29, 2015 - 12:17 AM

 

araneta center bus terminal
Kuha ni Jong Manlapaz

Siyam na bus driver na nag-aabang ng mga pasahero sa Araneta Bus Terminal ang hindi na pinayagang makabyahe matapos mag-positibo sa isinagawang random drug test  sa mga ito.

Isinagawa ang ng pinagsamang puwersa ng DOTC,LTFRB,DOTC,DOH at LTO ang random drug testing sa mga driver ng bus sa ilang mga bus terminal sa Araneta Center bus terminal ilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero na nais umuwi ng probinsya ngyong nalalapit na Undas.

Gayunman, sa kabila ng paunang positive result, sasailalim pa rin sa confirmatory laboratory exam sa isang accredited clinic ng Deaprtment of Health ang mga bus driver.

Sa oras na muling magpositibo, tuluyan nang kakasuhan ng pag labag sa Anti-Drunk and Drugged Driving Act ang mga tsuper.

Sakaling mahatulang guilty sa pagmamaneho habang nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot, maaaring mapatawan ng parusang pagkakakulong, kanselasyong ng lisensya at multa ang mga ito.

Sa nagpapatuloy na random drug test ng mga ahensya ng gobyerno, umabot na sa 162 ang naisasailalim sa proseso.

Ipinatutupad ang random drug testing sa mga tsuper na nagmamaneho ng mga bus palabas ng Metro Manila upoang pangalagaan ang mga pasaherong uuwi ng mga probinsya ngayong Undas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.