Catanduanes, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

(Updated as of 1:00am) Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang Catanduanes alas-12:25 ng madaling araw ng Sabado.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 44 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Baras.

Una nang sinabi ng Phivolcsna may lakas itong magnitude 4.5 ngunit ibinaba sa magnitude 4.3.

May lalim na walong kilometro ang lindol na tectonic ang origin.

Ayon sa Phivolcs, hindi inaasahan ang mga kasunod na pagyanig at pinsala sa ari-arian.

Read more...