Nakalabas na ng bansa ang Tropical Depression Luis.
Sa 11pm weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 555 kilometro Hilaga Hilagang-Kanluran ng Basco, Batanes.
Ayon sa weather bureau, bagama’t nasa labas na ng bansa ay patuloy na hahatakin ng bagyo ang Habagat na magdadala ng katamtaman hanggang malalakas na kalat-kalat na pag-uulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR), Batanes at Babuyan Islands ngayong weekend.
Pinayuhan ang mga residente sa mga bulubundukin at mabababang lugar sa posibilidad ng pagguho ng lupa at pagbaha.
Nananatiling mapanganib ang paglalayag sa seaboards ng Hilaga at Gitnang Luzon.
Samantala ang low pressure area (LPA) namang binabantayan ng PAGASA ay huling namataan sa layong 955 kilometro Silangan Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes.
Ayon sa PAGASA, malaki pa rin ang posibilidad na magiging bagong bagyo ito sa loob ng 24 hanggang 48 oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.