Eleazar: Mga nakitang bomba sa bahay ni Arnold Padilla, hindi ‘planted’
Iginiit ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Guillermo Eleazar na hindi ‘planted’ ang mga bombang nakita sa bahay ni Arnold Padilla, ang lalaking nasa viral video kung saan pakikipag-away sa mga traffic enforcers.
Ito ay may kaugnayan sa mga aksusasyon na inilagay ng mga pulis ang mga nasabing bomba sa bahay ni Padilla nang magsilbi ang mga ito search warrant na inisyu ng Makati City Regional Trial Court sa dalawang residential properties nito.
Ayon kay Eleazar merong mga testigo na magpapatunay dito.
Aniya ang nasabing raid ay nakita ng mga security guard, mga opisyal ng barangay at maging mga miyembro ng media.
Nahaharap sa kasong illegal possession of firearms at illegal possession of explosives si Padilla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.