Online page na tatanggap ng tanong at komento hinggil sa Pederalismo binuksan ng DILG

Binuksan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang isang online page kung saan pwedeng magpadala ng mga tanong at komento ukol sa panukalang Pederalismo.

Ayon kay DILG Assistant Secretary and Spokesperson Jonathan Malaya, ito ay alinsunod sa inisyatiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng public consultation at iba’t-ibang online avenues para sa talakayan ng panukalang federal Constitution.

Pwede na anyang magpadala ng komento, reaksyon, suhestyon at tanong tungkol sa Pederalismo sa email address na info@pederalismo.org.ph o magpadala ng mensahe sa DILG Center for Federalism and Constitutional Reform team sa Facebook page na Pederalismo.

Ang online page ay bukod sa information drive sa pederalismo at pagkakaroon ng roadshows sa mga rehiyon para sa dagdag na public awareness.

Una rito ay sinabi Presidential Spokesperson Harry Roque na ang panukalang federal Constitution ay bukas na sa pagsusuri ng publiko.

Layon anya ng hakbang na bigyan ang publiko ng matalinong pag-unawa sa federalism.

Read more...