1 patay, 6 sugatan sa aksidente sa Isabela

By Len Montaño August 24, 2018 - 08:09 PM

Isa ang patay at 6 ang sugatan matapos araruhin ng 1 kotse ang 3 motorsiklo sa Cauayan, Isabela.

Ang nasawing rider ay si Jake Anthony Macadangdang na nakaalitan ng suspek na si Aaron Christian Reyes.

Lumabas sa imbestigasyon na sinagasaan ni Reyes si Macadangdang sa kanto ng Golden Shower Street sa Bgy. San Fermin.

Kabilang sa mga nasugatan ang mga binatilyong sina Johnmark Sanchez at Bryan Barroga na angkas ni Macadangdang.

Inararo rin ng sasakyan ng suspek ang 1 pang motorsiklo kung saan nakasakay sina Robie Sinnott at Ericka Jesura at 1 pang motorsiklo na minamaneho naman ni Derik Villafuerte habang sakay nito si Daryl Ordonez.

Ayon kay Sr. Insp. Frances Littaua, Isabela police spokesperson, pinagdisktahan ni Reyes ang mga motorsiklo matapos makaaway si Macadangdag.

Unang tinumbok ng kotse ng suspek ang motorsiklo ng namatay saka nito inararo ang motorsiklo ng iba pang biktima.

Nasa kustodiya na ng pulisya si Reyes at si Hugiebert Moico na kasama nito sa sasakyan.

TAGS: accident, Cauayan Isabela, Vehicular accident, accident, Cauayan Isabela, Vehicular accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.