Guiuan, Eastern Samar niyanig ng magnitude 3.0 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo August 24, 2018 - 07:52 PM
Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang Guiuan, Eastern Samar.
Naitala ang lindol alas 7:17 ng gabi ng Biyernes sa 78 kilometers north east ng Guiuan.
33 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Ang naturang pagyanig ay afterschock ng magnitude 5.2 na tumama sa Guiuan, alas 12:33 ng tanghali ng Biyernes.
Una nang sinabi ng Phivolcs na bagaman hindi magiging mapaminsala ay maaring magdulot ng aftershock ang nasabing lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.