Nagulat ang mga residente sa bayan ng Pilar sa lalawigan ng Bohol matapos umulan ng yelo na kasing laki ng butil ng mais tanghali ng Biyernes (August 24).
Ayon kay Raymund Anania, Disaster Risk Reduction and Management officer ng Barangay Poblacion, nagsimula ang pag-ulan ng yelo o hailstorm bandang tanghali.
Sinabi naman ng mga saksi na nagtagal lamang ito ng limang minuto.
Sa Barangay Poblacion lamang naganap ang pag-ulan ng yelo habang malakas na ulan at malakas na hangin ang naramdaman sa ibang bahagi ng bayan ng Pilar.
Wala namang naitalang nasaktan o nasirang ari-arian sa nasabing “rare experience” ng mga residente.
Sinabi ng PAGASA na natural phenomenon ang hailstorm na hindi dapat katakutan ng publiko.
Ito ay nangyayari kapag ang mataas na temperatura ay tumama sa lupa, na nagdudulot ng pag-ulan at sa pagpatak ng ulan ay nagiging yelo ito bago tumama sa lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.