Mga senador hati sa pasya ng MMDA at MMC na ituloy ang dry-run ng HOV scheme sa EDSA

By Dona Dominguez-Cargullo August 24, 2018 - 06:58 PM

File Photo

Hati ang mga senador sa naging pasya ng Metro Manila Council na ituloy ang pagsasagawa ng dry-run sa high-occupancy vehicle (HOV) policy na nagbabawal sa mga single-occupant vehicles sa EDSA kapag rush hour.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, nasa MMC na at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapasya.

Pero paalala ni Sotto sa MMDA dadaan ito sa senado para idepenssa ang kanilang budget.

Tila may pagbabanta pang sinabi ni Sotto na kung ayaw kilalanin ng MMDA at MMC ang Senate resolution ay hintayin na lamang kung makapapasa ang kanilang budget sa committee on finance.

Ang Senate Resolution 845 ay inilabas ng senado para hikayatin ang MMDA at MMC na suspindihin ang ban sa driver-only vehicles sa EDSA at sa halip ay magsagawa muna ng public consultation o hearing bago ito ipatupad.

Samantala, sinabi naman ni Minority Leader Franklin Drilon na welcome sa kaniya ang naging desisyon ng MMDA.

Ayon naman kina Senate Pro-Tempore Ralph Recto at Senator Joseph Victor Ejercito dapat mas pagtuunan na lang ng pansin ng MMDA ang pag-promote sa carpooling.

Sinabi naman ni Senator Juan Edgardo Angara na oobserbahan niya ang pagpapatupad ng dry-run.

Maari kasi aniyang magpahirap ito sa mga motorista pero pwede din namang makatulong.

TAGS: ban on driver-only vehicles, edsa, HOV traffic scheme, MMC, mmda, ban on driver-only vehicles, edsa, HOV traffic scheme, MMC, mmda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.