Pangulong Duterte hindi takot sa anumang banta sa buhay

Hindi natatakot si Pangulong Rodrigo Duterte sa anumang banta sa kanyang buhay.

Sinabi ito ni Presidential Spokesman Harry Roque sa harap ng paulit-ulit na alegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na gusto siyang patayin ng Central Intelligence Agency o CIA.

Inilarawan ni Roque ang personalidad ni pangulo na isang fatalist na naniniwalang “kung panahon mo na, panahon mo na”.

Sa isang talumpati kamakailan, sinabi ni Duterte na bukod sa banta sa kanyang buhay, nakikinig din aniya ang CIA sa kanyang mga tawag sa telepono.

Pero ayon sa Philippine National Police (PNP), wala silang natatanggap na partikular na banta sa pangulo mula sa CIA.

Read more...