Bahagi ng C5 Bagong Ilog southbound isasara mula sa Martes

By Dona Dominguez-Cargullo August 24, 2018 - 05:04 PM

Isasara ang bahagi ng southbound ng C5 Bagong Ilog service road simula sa Martes, August 28.

Sa abiso ng Traffic Management Office ng Pasig City, ang pagsasara ay mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga, araw-araw mula August 28 hanggang Oct. 31, 2018.

Ito ay dahil sa proyekto ng Manila Water.

Samantala, pagkatapos ng proyekto ng Manila Water, ang C5 Bagong Ilog Southbound ay sasailalim naman sa road rehabilitation at improvement project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Gagawin ang proyekto ng dpwh mula alas 11:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga araw-araw mula Aug. 31, 2018 hanggang March 29, 2020.

Dahil dito, inaabisuhan na nag mga motorista na makararanas sila ng pagbabagal ng daloy ng traffic sa lugar sa nasabing mga oras at petsa.

TAGS: bagong ilog, Pasig City, bagong ilog, Pasig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.