Valenzuela City magkakaroon ng Number Coding scheme mula Sept. 3

By Dona Dominguez-Cargullo August 24, 2018 - 04:37 PM

Para maibsan ang nararanasang matinding pagsisikip sa daloy ng traffic, magpapatupad na rin ng Number Coding Scheme sa Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ipatutupad ang number coding sa lungsod mula September 3, 2018.

Gaya ng sa MMDA, iiral ang number coding sa Valenzuela mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 8:00 ng gabi Lunes hanggang Biyernes at walang window hours.

Sakop ng number coding ang mag sumusunod na kalsada sa Valenzuela:

• McArthur Highway
• Maysan – Paso De Blas – Bagbaguin Road
• Karuhatan – Gen. T. De Leon Road
• Gov. I. Santiago Road
• Mindanao Avenue
• East at West NLEX Service Road
• T. Santiago Road
• Sapang Bakaw – Punturin – Bignay Road

Exempted naman sa coding ang mga ambulansya, fire trucks, police patrol cars, at military vehicles na may permanent marking.

Exempted din ang sasakyan kung may sakay itong pasyente na nangangailangan ng immediate medical attention, diplomatic vehicles na may diplomatic plate numbers, gayundin ang MMDA accredited tow trucks.

TAGS: number coding, Valenzuela City, number coding, Valenzuela City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.