Ayon kay Umali, wala siyang nakikitang paglabag sa Saligang Batas sa naging desisyon nina Associate Justices Teresita Leonardo-de Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza, Noel Tijam, Andres Reyes Jr. at Alexander Gesmundo sa quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida.
Sinabi ni Umali na pamumulitika lamang ang ginawa ng mga complainant na naghain ng reklamo.
Dapat anyang naghinay-hinay sina Albay Rep. Edcel Lagman, Magdalo Rep. Gary Alejano, Ifugao Rep. Teddy Baguilat at Akbayan Rep. Tomas Villarin sa kanilang hakbang.
Gayunman, sinabi nito na inirerespeto niya ang paghahain ng impeachment complaint nina Lagman sapagkat karapatan naman nila ito.